PHR03795 - Always Loving You
About This Book
Nang makilala ni Charlotte si Clinton Quirino ay agad nahulog ang loob niya rito. Habang nakikilala niya ang pagkatao nito ay lalo siyang napapamahal dito. Hindi niya napigilan ang pangangarap ng isang magandang wakas para sa kanila dahil ipinapakita nito sa kanya na espesyal siya para dito. Pakiramdam niya ay may pagtingin din ito sa kanya.
Pero isang araw ay basta na lang ito umiwas sa kanya. Hindi na ito nagparamdam. Hirap na hirap ang kalooban niya sa panlalamig na ipinapakita nito sa kanya.
Marami siyang nalamang mga bagay tungkol dito— mga bagay na hindi maganda. Mahal niya ito. Pero paano niya tatanggapin ang lahat?