PHR05928 - Once, Again, Always

Ratings :


Date Issue : Mar. 28, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Celine Isabella
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

“Sa tingin ko naman ay walang kulang sa buhay ko bago ka dumating. I shouldn’t be feeling empty when you left. Pero iyon ang mismong naramdaman ko.” Nakilala ni Elaine si Red nang iligtas siya nito sa tangkang pag-eeskandalo sa kasal ng kanyang ex-boyfriend. Nang sumama siya sa binata, sa sama ng loob ay muntik na niyang maibigay ang sarili, pero tinanggihan siya nito. Pagkatapos niyon ay nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyang idinulot sa kanyang pamilya. Six years after, tinanggap mang muli ng kanyang pamilya ay tila pinagbabayaran pa rin ni Elaine ang nangyari. Dahil doon, pakiramdam niya ay habang-buhay na siyang kailangan na may patunayan sa mga ito. But she was on the right track now at guidance counselor na sa isang exclusive school for girls. At hindi niya inasahang makikitang muli si Red sa school na pinagtatrabahuhan niya. Noon niya nalaman na isang single dad pala ang binata at anak ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina niya. Pero sa pagkikitang iyon, hindi naiwasang magkalapit sila ni Red dahil sa atraksiyong nararamdaman niya noon pa man. One thing led to another, and they became lovers. But their intimate relationship became complicated nang tumutol ang pamilya ni Elaine. Isang panibagong kahihiyan na naman daw kasi ang maaaring idulot ng ugnayan niya kay Red. Pero hindi niya magawang ipaglaban si Red. Dahil wala naman itong ipinangakong serious commitment sa kanya.


Related Stories