PHR05937 - The Song Of The Wolf And The Moon

Ratings :


Date Issue : Apr. 15, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Ravene Valdrez
ISBN :
Price : PHP 85.00
  Share by Twitter


About This Book

"Hove hearing your heartbeat. Para akong kinakausap niyon na kahit liindi wo magawang sabihin na mahal mo ako, kaya kong mag-ilusyon na mahal mo ako." Ayon sa namatay na ina ni KM, kapag kabilugan ng buwan at humiling siya rito pagsapit ng hatinggabi, matutupad daw ang lahat ng kanyang kahilingan. At iyon na ang pinaniwalaan ni KM mula pagkabata. Pinanghahawakan din niya ang bagay na iyon para makalimutan kahit saglit ang matinding sama ng loob sa hindi pagtanggap sa kanya ng tunay na ama at ng pamilya nito. Hanggang sa na-love at first sight si KM kay Paul, ang elusive at supladong business associate ng kanyang ama at gustong-gustong pakasalan ng maldita niyang half sister. Para pasakitan ang ama at gantihan ang pang-aapi ng kapatid, ginawa ni KM ang lahat para akitin si Paul. Nagtagumpay siya. Pero ang naging kapalit niyon ay ang galit at hindi pagtanggap ng lalaki sa kanya. Pero dahil sa matinding paniniwala sa turo ng kanyang ina ay hiniling ni KM sa buwan na sana ay mahalin din siya ni Paul. At hindi inasahan, isang araw, nagulat siya nang biglang nakipaglapit si Paul sa kanya. Pero tulad ng paglisan ng buwan tuwing lilipas ang gabi dahil sa pagdating ng umaga, panandalian lang pala ang oras na makakasama ni KM si Paul. Dahil nagbalik ang babaeng totoong minahal at hinintay ng lalaki sa loob ng maraming taon...


Related Stories