PHR03866 - Chasing Rainbows

Ratings :


Date Issue : May. 31, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Laurice del Rio
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Love is like the Loch Ness Monster or Big Foot. It is just a figment of the imagination. Hindi dinidibdib, hindi sineseryoso. Iyon ay kung ayaw mong mabaliw…” Walang balak umibig si Ginny. Isinusumpa niya iyon. Sawang-sawa na kasi siyang makita kung gaano ka-depress ang Tita Melba niya tuwing broken-hearted ito. Kaya ang misyon niya: ilayo ang lahat ng lalaking gustong mapalapit sa tita niya. At kabilang doon si Theo na nakilala nila sa isang bar na nagpapakita ng interes sa tita niya. Oo, guwapo ito, pero kahit na. Hindi niya hahayaang mapalapit ito kay Tita Melba. Kaya nakaisip siya ng plano. Ipapain niya ang sarili. Aakitin at paiibigin niya ito. Pero bakit siya ngayon ang naaakit sa lalaki? Ano na ang nangyari sa isinumpa niya na hindi siya iibig? Pasumpa-sumpa pa kasi!


Related Stories