THS00031 - Territorio de los Hombres Series 31 Batch 4: Dr. Placido Ang

Ratings :


Date Issue : Jul. 29, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Vanessa
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“You’d think I would be okay with what I have already… but no. I’m still not happy. Because I don’t have you.” Pakiramdam ni Rebecca ay siya na ang pinaka-masuwerteng babae sa balat ng lupa nang bigyang-pansin siya ni Ido, ang apo ng matandang umampon at tumulong sa kanya at sa kanyang kapatid. Nang magsimulang manligaw ito sa kanya, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa. Sino ang hindi mahuhulog ang loob kay Ido? Guwapo, mayaman, tanyag, at ubod ng bait. Sinagot kaagad ni Rebecca si Ido at nag-propose ito makalipas lang ang maikling panahon. Ngunit nang maikasal na sila ay saka ito nag-iba… At natuklasan niya kung bakit ang isang simpleng tulad niya ay napansin nito. May motibo pala ang lalaki. Ginamit lang siya. Kaya naman nagplano siyang gumanti. Sapagkat si Rebecca dela Cruz ay babaeng kahit minsan ay pa-cute, may angas din ang arrive kung kinakailangan!


Related Stories