SWB00006 - Sweet Booster Series 6, Luscious Lux

Ratings :


Date Issue : Aug. 03, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Cranberry Laurel
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

Kahit niloko ng ex-boyfriend, hindi iyon naging dahilan para maging bitter si Lux sa buhay. In fact, naging motivation niya iyon to strive harder to win as the “World’s Greatest Bartender” sa sinalihang competition kung saan nakilala siya at kinuhang product endorser ng Sweet Booster Energy Drink. Higit sa lahat, naging part ng pagmu-move on niya ang pagkakaroon ng secret fantasy sa nakilalang si Kiko, ang best friend ng boss niya sa pinagtatrabahuhang bar. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling kay Kiko? Guwapo, propesyonal, mabait, palakaibigan, mabiro at madaling lapitan ang lalaki. At masuwerte si Lux na isa siya sa mga naging malapit kay Kiko tuwing dumadalaw ito sa bar. Pero dumating ang araw na hindi na napigilan ni Lux ang sarili na gumawa ng paraan para mapansin ni Kiko ang kanyang beauty. Ninakawan niya ito ng halik. Labis mang nahiya sa ginawa, laking tuwa niya na mukhang dahil doon ay nagbunga ang lahat ng efforts niya. Niligawan siya ni Kiko at nagsimulang maging makulay uli ang kanyang buhay. Pero mukhang isang pantasya lang talaga ang lahat ng namagitan sa kanila ni Kiko na kailangan nang matapos agad. Dahil nang magkaroon ng matinding problema at kailangang mamili ng binata sa pagitan niya at ng pamilya nito, mas pinili ni Kiko na iwan siya.


Related Stories