PHR03774 - Hot Intruder Rique, The Lovesick Leading Man

Ratings :


Date Issue : Aug. 08, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Victoria Amor
ISBN :
Price : PHP 85.00
  Share by Twitter


About This Book

Hindi natanggap si Maya sa trabahong gustong-gusto niya kaya naisip niyang magbakasyon muna sa isang rest house. Gusto niyang buuin muna ang confidence niyang bumulusok sa level zero. Ang problema, unang gabi pa lang niya ay may masamang-loob nang gumambala sa pamamahinga niya. Hindi umubra sa kanya ang masamang-loob. Sa isang hataw lang ay napatulog niya ito. Ngunit nang matitigan niya ang topless na masamang-loob na pinatulog niya, naging abnormal ang pintig ng puso niya. Nagkamali siya sa paggamit ng self-defense tactic na itinuro ng tatay niya, dahil ang napatulog niya ay isang artista—si Enrique Ruiz, ang singer-actor na tinitilian ng mga babae sa buong Pilipinas. Na-guilty siya na nagkaroon ito ng bukol dahil sa kanya. Gusto nitong ipapulis siya at kasuhan ng attempted murder. Ngunit sa huli, napagkasunduan nilang magiging PA na lang siya nito para makabayad siya sa kasalanan. Nagkaproblema siya nang makasama na niya ito. Pakiramdam kasi niya ay soul mates sila. Ang lalong nagpapakabog sa dibdib niya ay ang tila pasimple at dahan-dahang pang-aakit nito sa kanya.


Related Stories