PHR03797 - A Casual Encounter In Sausalito
About This Book
“I just had to kiss you or I’d go insane!”
Sikat na artista si Cassia kaya hindi niya matanggap na kailangan niyang mawala sa limelight. Pinayuhan kasi siya ng kanyang doktor na ipahinga ang kanyang mga mata sa loob ng isang taon kung hindi ay mabubulag siya.
Nagtungo siya sa Amerika at nakilala niya si Gareth sa Sausalito. She liked him instantly kaya ganoon na lang ang panghihinayang niya nang malamang may asawa na ito.
Nang magbalik na si Cassia sa bansa ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Gareth. Sa resort na pag-aari ng pamilya ng lalaki isu-shoot ang kanyang comeback movie. Doon din niya nadiskubre na wala pala itong asawa. Nagsinungaling ang binata dahil nalaman nito na si Cassia pala ang artistang nang-away sa kapatid ni Gareth na papasikat na artista.
Ngunit hindi man naging maganda ang impresyon ni Gareth at ng buong pamilya nito kay Cassia ay nahulog pa rin ang loob niya rito—hulog na hulog na kaya niyang ipagpalit ang kanyang career makasama lang ito…