BHT00005 - Broken Hearts Batch 2 Trilogy 2 - From The Bottom Of My Broken Heart
About This Book
“I’ll show you how much you mean to me, until you never have to doubt how much you own every part of me.”
For three years, Wendy had been secretly in love with her boss Shane Weston. Well, actually, hindi na iyon masyadong secret dahil alam na ng buong kompanya nila. Maliban na nga lang siguro sa boss niyang minu-minuto kung sesantihin siya. Pero paano nga naman siya papansinin ng guwapong boss niya kung sa ibang babae ito in love?
Hanggang isang araw, biglang bumait sa kanya si Shane. Naging malapit sila sa isa’t isa. At lalong lumambot ang puso ni Wendy sa lalaki nang matuklasan ang dahilan ng kawalan nito ng tiwala sa pag-ibig. Ipinakita niya kay Shane na puwede nitong pagkatiwalaan ang pagmamahal niya.
Pero sa huli, siya rin pala ang magsisisi. Because it was Shane’s love she should not have trusted.