Sa Piling Mo, Sinta - PHR06073
About This Book
Na-love at first sight si Shierley sa mekanikong si Vincent. Pero kailangan niyang pigilan ang nararamdaman dahil may gusto rin dito ang pinsan niyang si Lilia. Kailangan niyang magpaubaya sa pinsan dahil ang mga magulang nito ang nagpapaaral sa kanya. Kaya pilit niyang iniwasan si Vincent hanggang sa ito na ang kusang lumayo.
Pagkalipas ng tatlong taon, muling nagkita sina Shierley at Vincent. Si Shierley, isa nang nurse sa isang pribado at malaking ospital. Si Vincent naman ang may-ari ng ospital na iyon. Naisip ni Shierley na wala nang sagabal. Puwede na silang magkatuluyan. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malamang galit na galit si Vincent sa kanya. Nilait-lait at inapi raw niya ito noon. Hindi niya matandaan kung kailan niya ginawa iyon.
Gustong ipagtanggol ni Shierley ang sarili para magkasundo na sila. Pero masasaktan lang pala siya dahil girlfriend na ni Vincent ang doktorang pinag-iinitan siya.