Hooked On Meleena - PHR06108

Ratings :


Date Issue : Oct. 28, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Sheena Rose
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

“Wala akong planong ma-in love sa `yo. But God has His own plans for me. Friends. Ever since, iyon lang ang relasyon nina Ice at Firo sa isa’t isa. May kanya-kanya kasi silang karelasyon. At silang dalawa lang din ang nagdamayan nang makipaghiwalay sa kanila ang mga karelasyon nila. Pareho naman silang naka-move on. Pero dumating sa puntong hindi lang pala shoulder to cry on si Firo kay Ice. Boyfriend din. Inimbitahan kasi siya ng kuya niya na magbakasyon sa probinsiya. Okay lang `yon. Ang siste, isasama daw nito ang best friend nito—na nalaman niyang ang ex niya pala. Ang malala, isasama ng ex niya ang bagong girlfriend—ang ex ni Firo. Ayaw magmukhang tanga ni Ice sa bakasyong iyon kaya isinama niya ang best friend at pinagpanggap na boyfriend. Agad itong pumayag. Ipamumukha raw ni Firo sa ex na hindi kawalan ang babae. Ganoon din ang intensiyon ni Ice sa ex niya. Pero, nang nandoon na sila, ang dami nang nangyari at ang daming hindi dapat mangyari. Wala sa usapan nila na makikipagbalikan si Firo sa ex nito. Wala rin sa usapan nila na mahuhulog ang loob niya sa kaibigan.


Related Stories