A Love Started In Omegle - PHR06109

Ratings :


Date Issue : Oct. 28, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Heidi Star
ISBN :
Price : PHP 85.00
  Share by Twitter


About This Book

Ang sarap sa pakiramdam iyong sa unang ngiti pa lang, napapabilis na nito ang tibok ng puso niya. Mahilig magbasa ng university files sa Facebook si Lala. Palagi niyang nababasa doon ang Omegle, isang site para sa pakikipag-chat. Matagal na siyang curious sa Omegle kaya isang gabi ay sinubukan niya. You: Hi. Stranger: Gabi na. Nagpupuyat ka na naman kakahintay sa wala! Napangiti si Lala. Gabing-gabi na pero humuhugot pa rin ang estrangherong ka-chat niya! Nalaman niyang “Seph” ang pangalan nito. Masarap kausap ang binata at napapatawa siya nito. And to top it all, pareho sila ng eskuwelahang pinapasukan. Pero hindi niya sinabi kay Seph dahil baka hanapin siya nito. Hindi pa siya handang makipagkita. Pero natagpuan pa rin siya ni Seph sa university. “Lala?” Nanlaki ang mga mata niya pagkalingon sa tumawag. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “I-ikaw ba si Seph?” Parang hihimatayin si Lala. Si Seph na ka-chat niya at si Sephiro Alvarez na campus heartthrob sa school nila ay iisa!


Related Stories