PHR03969 - Mahal Kita, Dati Pa

Ratings :


Date Issue : Nov. 11, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Andie Hizon
ISBN :
Price : PHP 45.00
  Share by Twitter


About This Book

Now that she had him, she’ll never let him go. Si Samuel ang pinakapangit, pinakanakakairita, at pinakanakakainis para kay Devon. Kaklase niya ito noong elementary, high school, at maging noong nagkolehiyo siya. Ito rin ang best friend ng kakambal niyang si Vandross. Higit sa lahat, ito lamang ang taong hindi niya kayang maungusan sa kahit na anong larangan. Marami ang nagsasabing matalino siya, maabilidad, at maparaan ngunit hindi niya pa rin kayang higitan si Samuel. Sinusubukan naman niyang gawin ang lahat ng makakaya niya para maging mas magaling siya kaysa rito, ngunit hindi na yata talaga darating ang panahon na matatalo niya ito. Ipinanganak nga ba siya upang maging pangalawa na lamang dito? Ngunit bakit ganoon? Kahit anong kagaspangan ang ipinapakita niya rito ay hindi ito kailanman nagalit sa kanya. At hindi rin ito pumapalya sa pagtulong sa kanya tuwing kailangan niya ito. Ano nga ba ang mayroon sa kanilang dalawa?


Related Stories