Silver Belles Series 2 - Jing And Bell - SBL00002

Ratings :


Date Issue : Dec. 27, 2016
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Dream Grace
ISBN :
Price : PHP 89.00
  Share by Twitter


About This Book

“Lahat ng mga naging girlfriend mo, gusto kong kalbuhin. Sapat na ba iyon para masabing mahal kita?” Limang taong gulang pa lang si Jing-jing ay katakot-takot na pintas na ang inabot niya kay Alexander Graham Bell o “Bell.” Malaki raw ang ilong niya, napakalaki ng mukha, walang buhok, at maitim daw siya at ang lalong ikinaiinis ni Jing-jing, inaakusahan siya ni Bell na may relasyon sila ng boyfriend ng kapatid nito. Para matigil na raw ang paghihinala at pagseselos ng kapatid nito, may iminungkahi si Bell, “We will pretend to be lovers. You’d act like you’re madly in love with me and I’ll pretend like I can tolerate being around you for at least a few hours a day.” No way! Ano ito, sinusuwerte? Pero hindi siya tinigilan ni Bell. Hinalikan pa siya nito. “B-bakit mo ako hinalikan?!” paangil na tanong ni Jing-jing. “Wala lang. Na-curious lang ako kung hahalikan mo rin ako kapag hinalikan kita.” Sa galit, sinuntok niya si Bell. Pero nakailag ito. “Ulitin mo pang suntukin ako at hahalikan uli kita!” Ulitin nga kaya niya ang suntok?


Related Stories