PHR04052 - A Thing Called Love
About This Book
“I thought my life was okay as it was, but after having you in it and losing you again, I felt the difference. Mas maganda, mas masaya, at mas makulay ang buhay ko kung kasama kita…”
Mula nang iligtas si Raisa ng rich, hot, and sexy hunk na si Stephen Montinola ay naging laman na ito ng kanyang mga pantasya. Gayunman, tanggap niyang malabong may mamagitan sa kanila dahil ni hindi na nga yata muling magkukrus ang mga landas nila.
However, it did. Not only did their paths cross again, pinakiusapan pa siya ng lalaki na maging fiancée nito. Sa kalaunan ay nagpakasal pa sila! Pero kunwari lang iyon at para lang sa benefit ng lolo ni Stephen na noon pa diumano hinihimok ang binata na lumagay sa tahimik.
She did not mind the charade. Pero natuklasan ni Raisa na mahirap hawakan at kontrolin ang damdamin. Dumating sa punto na ayaw niyang sa pantasya lang niya siya mahalin ni Stephen. She wanted it to be in the real world.
She was in big trouble. Mabuti na lang, bago tuluyang napahamak ang puso niya ay nakipaghiwalay na ito sa kanya. Pero hindi pala roon nagtatapos ang problema ni Raisa dahil kahit hindi na sila magkasama ay patuloy na ginugulo ni Stephen ang puso at isip niya …