Saranghe - PHR06199

Ratings :


Date Issue : Apr. 12, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Azel
ISBN :
Price : PHP 42.00
  Share by Twitter


About This Book

“Na-realize kong may puwang ka na sa puso ko. Hindi ka rin mawala sa isip ko. At ngayon, ayokong mawala ka pa sa buhay ko.” Napilitan si Sapphire na magpanggap bilang girlfriend ni Chandler dahil iyon ang kapalit ng pag-alis nito sa bahay niya alang-alang na rin sa kanyang eardrums. Mahilig kasi itong magpatugtog ng makabasag-eardrums na kantang sigaw lang naman nang sigaw ang singer. Kung hindi lang sana ito naglalakad at nag-iingay na stress, forever niya itong patitirahin sa bahay niya. Kailangan din kasi nila ng pera mula sa rentang ibinabayad ni Chandler. At higit sa lahat, kamukha ito ng Kpop idol/crush niyang si Park Chanyeol. Kahit kamukha lang, solved na sana siya. Sa pagpapanggap nila ay mas nakilala ni Sapphire si Chandler. May sweet at nakakakilig na side din pala sa pagkatao ng lalaki. Mapagmahal din ito sa ina. Ano naman kaya ang feeling ng mahalin ni Chandler kung totoo ngang girlfriend siya nito? Kinilig si Sapphire sa ideyang iyon. At lalo siyang naturete nang sabihin ni Chandler na totohanin nila ang pagpapanggap. Pero isang katotohanan ang nagpamukha sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nito puwedeng mahalin…


Related Stories