The Princess Challenge - RF00033

Ratings :


Date Issue : Nov. 20, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Sofia
ISBN :
Price : PHP 99.00
  Share by Twitter


About This Book

“Gusto ko ang ngiti niya. Parang kapag ngumiti siya sa akin, okay na lahat.” Walang inuurungan, ganyan kung tawagin si Abby sa lugar nila sa Looban. Kaya nang minsang magkaroon ng dayo sa kanila at natipuhang pagnakawan, agad sumugod si Abby para sumaklolo. Pero sa pagtulong niyang iyon, muntik na siyang mapahamak at mamatay. Pero sobra din siyang nagpasalamat sa nangyari. Dahil doon, nakilala niya si Marcel Malvarosa, ang tatay niyang mula pagkapanganak ay hindi nakilala. Pero para tuluyang tanggapin bilang isang Malvarosa, kailangang dumaan si Abby sa “social graces training” kung saan dumaan din ang ilang kilalang beauty queen, princess-wannabe, at ilang socialites. Ni sa pangarap, hindi nakita ni Abby na sasabak siya sa ganoong klaseng pagsubok. Pagsubok para lang matawag na isang Malvarosa. Nasanay kasi siya na ang iniisip lang ay kung paano makakaipon ng pampaaral sa sarili. Pero para saan pa at tinawag siyang “walang inuurungan”? Kaya para kay Abby… challenge accepted!


Related Stories