PHR04242 - Traje de Boda Trilogy 2: Vilma

Ratings :


Date Issue : Nov. 29, 2017
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Vanessa
ISBN :
Price : PHP 89.00
  Share by Twitter


About This Book

Buong sistema niya ay isinisigaw ang pangalan nito—isip, emosyon, katawan, at marahil pati kaluluwa. Perya ang buhay ni Vilma dahil doon siya natagpuan ng kanyang kinilalang mga magulang, ang mga may-ari ng perya. Sa perya rin niya unang nakilala si Pio, isa sa kanilang mga tauhan. Kaeskuwela rin niya ito. Agad siyang nagkagusto rito at gumawa siya ng paraan para mapansin siya nito, sa kabila ng katotohanang mayroon itong napapabalitang nobya, si Blessilda. At nang matuklasan niyang nagbabalak ang mga itong magtanan ay nagsumbong siya sa ama ni Blessilda, dahilan para hindi matuloy ang balak ng dalawa. Nilisan ni Pio ang perya, umalis itong galit sa kanya. Pagkalipas ng mahigit isang dekada ay muli silang nagkita. Asensado na ito, matikas, at lalong naging guwapo. Tulad noon, gusto niyang magpa-cute dito at parang naku-cute-an naman ito sa kanya. Ngunit natuklasan niyang mula noon hanggang ngayon ay tila hindi nagbabago ang kuwento nila. Parating may isang Blessilda na sumisira sa pangarap niya.


Related Stories