More Than A Fairy Tale; Little Red and The Lone Wolf - PHR06282
About This Book
“Bakit ka ba ganyan? Hindi mo ba ako kayang mahalin? Hindi ba ako kamahal-mahal?”
With just one look, puwedeng pagkamalan na hindi makabasag-pinggan si Red. Maliit, cute, at mukhang napaka-sweet ng babae. Pero hindi ganoon ang tingin ni Wulfric kay Red. Para sa kanya, ito ang pinakamasamang tao sa mundo. Sinira ng babae ang pamilya niya. Ito ang dahilan kung bakit nag-iisa at malungkot siya sa buhay.
Red is a wolf. Kayang-kaya siya nitong gawan ng masama.
Pero sa ilang linggong nagkasama sila sa isla kung saan niya ito ikinulong at kung saan siya nagtago, parang nagbago ang role nila sa buhay. Wulfric is now the bad wolf. Siya na ang kontrabida.
Hindi siya papayag. Siya pa rin dapat ang hero sa kuwento.
Pero bakit masarap sa pakiramdam na si Red ang heroine niya kahit hindi ito deserving?