School Trip 2 - LIB00425
About This Book
“Class resumes!”
Pumasok si Fely sa Wellington High School sa isang dahilan—ang hanapin ang bangkay ng kanyang stepsister na si Ruvina. Naniniwala siya na sa school na iyon namatay si Ruvina.
Nang nagtuturo na si Fely ay nagsimula nang gumulo ang dati niyang tahimik na buhay. May mga nangyayari sa kanya na hindi niya maintindihan. May kaluluwang sunod nang sunod sa kanya at may babaeng gusto siyang patayin.
Isama pa ang mga pasaway niyang estudyante na lagi siyang binu-bully. Ang mga ito ang nagtulak sa sarili niyang multo para tuluyan na siyang lamunin niyon.
Ang misyon niyang hanapin ang bangkay ni Ruvina ay nauwi sa paghihiganti. At sa school trip magsisimula at magtatapos ang lahat…