Status Single Self-sufficient - PPS00104
About This Book
“The first time I saw you, alam ko nang may kakaiba sa `yo.”
I do not like calling myself “single.” May stigma kasi ang pagiging single. Kapag sinabing single ka, automatic nang dapat kang kaawaan dahil walang nagmamahal sa `yo and therefore malungkot ka.
Like, hello? Hindi kaya ako malungkot. I am single since birth and I. Am. Not. Lonely! In fact, I like being alone. Ang tawag ko nga sa status ko ay “self-sufficient” dahil mas bagay ang salitang iyon sa tulad ko.
Kaya kong dalhin ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay. Hindi ko kailangang magkaroon ng love life. Kaya kong mabuhay nang masaya nang wala ang pag-ibig na `yan na pinagpapakamatayan ng mga tao.
Hanggang sa dumating ang isang hamon sa buhay ko na mukhang susubok sa aking self-sufficiency.
Bigla, gusto ko nang palitan ang status ko kapag nagpi-fill up ng forms:
Self-sufficient In a relationship with a handsome, sexy, smart, funny, loveable (with yummy abs) man.