PHRGR030 - Club Red 2: Pierce (Sunrise And You)

Ratings :


Date Issue : Apr. 26, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Victoria Amor
ISBN :
Price : PHP 85.00
  Share by Twitter


About This Book

"Kahit minsan, hindi ako naging interesado sa sunrise. Ngayon lang. Ngayong nandito ka sa tabi ko." Itinapon ni Jean ang sarili sa White Beach Resort sa Puerto Galera nang mapunta sa kanya ang isang mahirap na assignment- isusulat ang paranormal romance trilogy kung saan ay bida ang mga nilalang na hindi niya pinaniniwalaang nag-e-exist. Naisip niang magpa-henna tattoo sa nakilalang artist slash antique collector. Sa display cabinet ng artist ay naagaw ang atensiyon niya ng isang lumang dagger. Ginawa niya ang lahat para mapilit ang artist na ibenta sa kanya ang patalim at nagtagumpay siya. Hindi niya inakalang ang dagger lang pala ang kailangan niya para makabuo ng plot ng kuwentong hirap siyang simulan. Mula nang mahawakan niya ang dagger ay doon nagsimulang gumana ang isip niya- ginawa niyang bahagi ng kuwento ang patalim. Lalong naging smooth ang flow ng eksena sa isip niya nang makita sa dalampasigan ang isang lalaking perpektong bida sa kuwento niya. Ang lalaki at ang patalim ang naging sentro ng kuwento. Subalit isang araw bago ang pag-alis niya ng White Beach ay natagpuang patay ang artist at ang kutob ni Jean, siya na ang susunod na manganganib dahil sa dagger na nasa pag-iingat niya. At iisa ang paraan para maging ligtas siya: Ang pagkatiwalaan ang misteryosong lalaking nakilala niya sa dalampasigan- si Pierce, ang banyagang tila libong sekreto ang itinatago ng berdeng mga mata. Hindi napaghandaan ni Jean ang susunod na manganganib -ang puso niya na napakadaling nahulog kay Pierce na hindi niya sigurado kung kaligtasan ba talaga ang hatid sa kanya....


Related Stories