Chat Me, Love Me

Ratings :


Date Issue : Jun. 07, 2018
Publisher : Precious Pages Corp.
Author : Gazchela Aerienne
ISBN :
Price : PHP 50.00
  Share by Twitter


About This Book

“Tinatanong ko nga din ang sarili ko kung ano ba ang mayroon ka at masayang-masaya ako kapag kasama kita.” Unknown: Teka, kanina pa tayo nag-uusap. ASL muna. Selene: 25, Female, Catanduanes. Ikaw? ASL mo? Unknown: Ang layo, ah. 27, Male, Quezon City. Nagsimula ang lahat sa isang blind chat app. Gabi-gabi o kaya kapag may libreng oras si Selene, ka-chat niya ang guwapong chef na si Creon. At aaminin ni Selene na gustong-gusto niya iyon. Masaya at naaaliw siya rito. Mabait din ang lalaki at hindi bastos. Pero isang araw, bigla na lang nitong pinutol ang communication nila. Two years later, nagkita sila. Kaya lang, ibang-ibang Creon na ang nakaharap ni Selene. “Friends na tayo uli?” tanong niya kay Creon. “Hindi... I don’t want you to be just my friend, Selene. Hell, I don’t want to accept it but I really want you all by myself.” Attracted siya kay Creon, oo. Pero hindi pa niya alam kung paano ika-classify ang mga nararamdaman. Love na ba iyon? Agad-agad? And so they started a “trial and error” relationship. Okay na sana, eh. Bibigay na si Selene sa kaway ng pag-ibig. Kaso, may biglang pumasok sa eksena. Mas malakas ang dalang weapon. Hindi pa nag-uumpisa ang laban, talo na siya. Paano pa siya aasa sa “loading” status nila ni Creon kung sa simula pa lang pala, “error” na?


Related Stories