Tango (Dancing In The Moonlight)
About This Book
“I was so blinded with hate that I didn’t see the woman in front of me was the woman I love.”
Who was Eric Del Mundo?
Unang nakita ni Sasha ang lalaki sa Luneta. Pangalawa, nang mag-enroll ito sa dance class niya. Nagkita na naman sila for the third time sa birthday party ng matandang estudyante niya sa dance class.
Aside from his handsome face, there was something else about him that bothered Sasha so much: iyong paraan kung paano siya tingnan ni Eric. Parang alam nito ang mga sikreto niya. Pakiramdam niya ay may dark secret siya na gusto nitong tuklasin.
Eric was an enigma. In spite of that, Sasha was attracted to him. And the sexual tension between them was so strong they couldn’t get their hands off each other. Sumama pa nga siya sa lalaki sa hacienda nito kahit alam niyang mali.
Pero ganoon na lang ang galit ni Sasha nang malamang hindi pala aksidente ang mga pagkikita nila noon. Pinlano iyon ni Eric. Ang balak ng lalaki ay ilayo siya sa isang mahal nito sa buhay sa pag-aakalang mistress siya ng taong iyon.
Gustong itama ni Sasha ang maling pagkakakilala ni Eric sa kanya. Gusto niyang sabihin na hindi siya masamang babae, at ito lang ang mahal niya. Pero paano niya magagawa iyon kung sarado na ang utak ni Eric?