Love Junkies 22 - Crisostomo, Ang Malambing Na Romantiko 2
About This Book
“Alam kong usapan nating wala tayong pakialamanan sa isa’t isa pero hindi ko pala kayang panoorin ka lang sa ginagawa mo. I’m not numb, Toto. May pakiramdam ako. At mahal kita! Nagseselos ako sa kanya.”
Dumating ang panahong kailangan nang malaman ni Toto ang totoong katauhan ni Sibyl—na siya ay hindi isang kawaksi kundi kabilang sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa bansa. She had to tell him, because she couldn’t go on pretending. She had already fallen in love with the funeral director.
But someone else beat her to the punch. And Toto hated her. Sinubukan niyang kausapin ito upang magpaliwanag ngunit hindi na niya makontak ito. Nagpasya siyang puntahan na ito. At labis siyang nasorpresa sa kanyang nadatnan—mukhang hindi na ito galit. Sa katunayan ay kasama nito ang girldriend nito. It became clear to her all of a sudden, kawaksi man o hindi, hindi nito kayang mahalin siya.
Pero hindi pala doon natatapos ang problema. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila…