Me And You
About This Book
Usually, hindi nagpapaistorbo si Everly kapag nagsusulat ng nobela. But her caller tonight was special kaya sinagot niya ang tawag nang mag-ring ang cell phone niya.
“Hello, this is your destiny. How may I marry you today?”
“Ebs.”
Ebs. The nickname she hated the most, but couldn’t hate the one person who call her that.
“Ano `yon, Doms?”
“I love you.”
Malakas siyang tumawa, saka in-off ang cell phone. `Pag nahimasmasan sa kalasingan ang lalaking iyon, maya’t maya niya itong bubulabugin sa ginawang drunk call—na naman—sa kanya.
Pang-ilang taon na nga ba na ganoon ang eksena nila tuwing darating ang death anniversary ng babaeng minsan nitong minahal? Ah, yes. Limang taon.
Limang taon na nang huling magmahal si Dominic.
Limang taon na pagdurusa.
Dahil sa isang makasariling ginawa ni Everly noong unang panahon…